Friday, December 16, 2016

Ito na ba?

Panahon na ba ng aking pagbangon mula sa aking pagkaka lugmok?

Matagal na panahon kong inaasam ang may pagbabago sa aking trades, nakaka sawa ang lagi na lang pula ang nakikita ko sa aking portfolio, lagi na lang bang ganito? Tanong ko aking sarili. 

Sa dinami dami ko nang nabasang mga trading journals, blogs, at personal notes na kung saan nilagay nila paano sila naging disiplinado sa kanilang trades.

Halos andun na ang mga sagot sa katanungan ko, ngunit sarili ko lang ata ang problema. Kahit alam ko naman na ang mga kahinaan ko, ngunit hindi ko pa din magawang itama ang mga ito.

Mastery of oneself ito na kaya ang susi, para naman may pagbabago o progess sa aking trades.

Sinubukan kong huwag makinig sa mga ingay sa paligid, nag trade ako nang naayon sa aking pinag aralan. Pilit ko rin itong sinunod. Inapply ko ang mga nabasa ko na paraan.


Ito na ba? Sa wakas may berde na din sa aking portfolio. Ganito pala ang resulta kung didisiplinahin lang ang sarili. Kaya naman pipiliin ko nang maging disiplinado.

Sa ngayon hindi ko alam kung disiplinado na nga ba ako o hindi pa, sana naman hiling ko sa sarili ko na maging consistent na ako. Para hindi nag aagaw ng percentage ang pula at berde da portfolio ko.


Malapit na mahit ang cut loss point ko na -10% dito makikita kung susundin ko ba o hindi. Sana naman masunod ko na talaga ngayon. Ito na ba ang susi? Ang maging disiplinado?

Hanggang dito muna, balitaan ko kayo sa mga susunod na kaganapan sa aking trading career.
Road to COL Plus Account yan ang challenge ko sa aking sarili. Kaya ko ba? Depende kung magiging disiplinado lang ako.

I may not be there yet, but I'm closer than yesterday.

Saturday, May 7, 2016

SABIT PA MORE


Dahil bakasyon ako ay nainip, naghanap nang pwedeng puntahan.

Sa sobrang init ng panahon nag pasya akong pumunta sa dagat.
Habang naglalakad may mga nakita akong kakilala, masayang nakasabit sa jeep.
Halika ka na! sabit ka na rin sa masaya dito!, tara na! Mag eenjoy tayo.

Hindi na ako nag isip kung saan sila pupunta, basta sumabit na lang ako.
Habang nasa byahe, ang daming kwentuhan at tawanan, masaya  nga dito.
They are expecting na maganda ang magiging masaya sa distenasyon na aming pupuntahan.
Nakisabay ako sa tawanan, at kwentuhan. Not knowing where we are heading.






Teka asan na ba kami?
Hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito.
Sabi ko sa dagat lang ako pupunta eh.
Walking distance lang naman ang dagat mula sa amin.
Bakit ba ako sumakay sa jeep na ito?
Wala naman sa plano ko ito.




Mga tol, saan ba tayo pupunta?
Relax ka lang, malapit na tayo, kapit ka lang.
Dami natin dito, kaya wag ka mag alala.
Kapit lang. 



Teka, asan na mga kakilala ko?
Tol, asan na kayo ba't hindi ko na kayo naririnig?
Asan na ang kwentuhang masaya?
Saang lugar na ba to?
Bibitaw na ba ako? Pero hindi ko alam ang lugar na ito.
Paano ako babalik sa amin?



Hanggang sa ito na ang sumunod na pangyayari.
Kakapit ba pa ako? HOLD PA BA?
O BABA NA AKO?



SABIT PA MORE ^_^
MASAYA DITO!!!


HAHAHA

Walang magawa kaya ito.

Magsilbing aral po sana sa ito sa atin.
Lalo na sa mga NEWBIE na kagaya ko.

Note: Obserbasyon ko lamang po ito.
Nagawa ang kwentong ito dahil ilang beses na ako na HYPE

Para maiwasan ito.
Keep away from noise when executing your trading plan.

Focus on your journey.

#FOMO Syndrome



Tuesday, April 26, 2016

Am I Learning?

Am I learning? 
Kung natututo nga ako, naapply ko ba ito ng tama?

Tignan natin mula sa umpisa.

 JANUARY LEDGER

Sa pagtatapos ng buwan ng Enero ako ay Loss ng -342.64
Ito iyong mga panahon na kung saan wala ako kaalam sa mga pinagbibili ko


FEBRUARY LEDGER
Ako'y nagpatuloy sa aking ginawa, bili dito, benta doon nang walang kaalam alam
Umaga ako bibili, magbebenta ako sa hapon.
Day Trade ang nakita ko na diskarte kasi nang pinanood ko sa YouTube
Sinubukan ko gayahin, kaso ayan ang resulta
-1,116.51

Ayos diba? 


MARCH LEDGER

Dumating ang Marso kasabay ng Final Exams ko sa paaralan, ngunit patuloy pa rin ako sa pag Trade.
Sa panahon na ito nakabili na ako ng The Trading Code
at nagbabasa na rin ng mga blogs sa internet about Technical Analysis.

Hindi ko pa rin kayang i-apply iyong mga nabasa ko.
consistent loss pa din ako

-1,399.86

paubos na ang aking pinaghirapang inipon mula sa aking allowance.

Ako'y tumigil muna sa pagtetrade ng ilang araw.


Natapos ko na rin basahin ang The Trading Code
Handa na kaya ako?
Kaya ko na ba?
Muli ako sumubok at nag Trade

APRIL
Sa NGAYON heto ang resulta

Mas marami pa ring talo,
kaysa sa panalo.

Meron pa rin sa akin iyong tinatawag na FOMO
Fear Of Missing Out

Nadadala pa rin ako sa ingay ng aking nasa paligid.
Ito na marahil ang dapat na mahanapan ko ng solusyon.

Kailangan kong magkaroon ng disiplina at sundin ang aking 
plano nang sa gayon makita ko kung tama ang aking sistema na natuklasan.


Patuloy akong matututo sa bawat pagkakamali ko
Marahil nga may presyo ang bawat kaalaman at karanasan na aking 
nararanasan at mararanasan pa.

Ngunit hindi ako susuko.
Patuloy akong mag aaral at magsusumikap.



si Idol Michael Jordan 
nga nag failed din ng maraming beses bago naging alamat
sa larangan ng basketball eh.


FAILURE IS NOT
THE OPPOSITE OF
SUCCESS,
IT'S PART OF SUCCESS.

Am I learning? YES! 
At patuloy akong matututo.


What am I doing today is only the preparation of tomorrow.


Wednesday, April 20, 2016

In progress

I am what I do repeatedly.

Kaya basa, aral, apply - praktis, praktis, praktis.
Hanggang sa matuto.

Ito ang mga unang chart ko:



I wasn't able to gain from these charts. Wala kasi ako pambili that time. Since ang capital ko ay maliit pa lang isang stock lang ang aking binili.

Isa sa mga pinayo sa akin ng pinagtatanungan ko all in muna ako sa isang stock para mas maraming volume ang aking mabili.

I'll continue to study with dedication.

Makakamit ko rin ang aking minimithing tagumpay.


Tuesday, April 19, 2016

Closer Than I Was Yesterday

Nagsimula ang lahat sa pagnanais kong guminhawa ang aming buhay, iyong pakiramdam na gustong gusto ko na makalaya sa kahirapan. Kabilang ako sa angkan na kong saan tatlong kahig isang tuka, ang aking lolo at lola ay hindi man lang nakapag aral, ang aking ama't ina naman ay hindi nakapag tapos ng high school. Namulat ako sa kahirapan, at ayaw kung magpatuloy pa ito sa mga susunod pang henerasyon ng aming angkan.

Dahil na rin sa habag at biyaya ng dakilang Maylikha, ako ay kasalukyang nag aaral sa kolehiyo sa tulong ng aking sponsor. Ganun pa man hindi nawawaglit sa aking kaisipan na magkaroon ng kalayaan sa kahirapan.

Ako ay nag saliklik, naghanap ng impormasyon kung paano magka pera, palaguin ang pera at paano ito pamahalaan. Sa aking pagbabasa ng mga libreng e-books sa internet, una kung nalaman ang investing sa mutual funds, ngunit para sa akin na umaasa lamang sa aking allowance kada buwan hindi ko pa kakayanin ang mag invest.

Maraming paraan ang aking nakita at nalaman, andyan ang networking o MLM na kung saan na ingganyo akong sumali, ngunit hindi pala ganoon kadali, kailangan palang bumili ka ng tatlo o higit pang accounts para kumita. Hindi ko kinaya sapagkat sa isang account pa lang di ko na halos kayang bayaran.

Hindi ako huminto sa pagsasaliksik hanggang sa may nabasa akong e-book na patungkol sa kanyang mga kasambahay na tinuruan niyang mag invest sa stock market. Nawili ako sa pagbabasa hanggang sa matapos ako at nagkaroon ako ng interest sa stocks.

Tuwing hapon pagka galing ko sa skwela, dadaan ako sa kompyuter shop para magsaliksik  patungkol sa stock market, kung paano mag invest sa merkado, hanggang sa may nakita akong bidyo na kung saan parang ang bilis nyang kumita kada segundo, minuto sa merkado.

Ipinapaliwanag nya kung paano ang sistema, bibili ka ng posisyon sa murang halaga at kapag tumaas ng sampong sentimo ibenta mo na kaagad para kumita. Nawili ako at dinownload ang mga bidyo nya.

Ganto lang pala kadali ang kumita sa stocks sabi ko sa sarili ko, kaya ko rin ang kanyang ginagawa, kung siya nakaya ako rin makakaya ko, na excite akong magkaroon ng account. Pinag ipunan ko ang limanlibong piso na kapital para makapagbukas ng account.

January 22, 2016 ako ay nakapag bukas na ng account, dahil na rin sa impormasyon na aking nakalap at sa aking palagay ay sapat na iyon, kahit nasa klasrum pa ako at may klase ako'y dali daling bumili ng stocks, maganda ito sabi ko sa aking sarili.

Lumipas ang ilang segundo, minuto at oras hindi pa rin tumataas ang presyo, maya't maya tinitignan ko, sinisilip ko ang aking portfolio. Bakit ganun? Hindi tumataas ang presyo, siguro kunti lang ang traders, sagot ko sa aking sarili.


Akala ko ba segundo o minuto lang kikita na ako? Binalikan ko ang mga bidyo, pinanood ko ulit. Madaming bagay ang sumasagi sa isipan ko, hindi kaya mali ang nabili ko? Ibenta ko na kaya at bumili ng iba? Paano ko malalaman ang bibilhin ko? Saan ko makikita ang mga stocks na mabilis gumalaw ang presyo?

Hindi ko alam ang sagot sa mga katanungang iyon, araw araw pa din ako nag bubukas ng aking account, paulit ulit kong ginagawa ang tsambahang pagbili, minsan kumikita ng isang daang piso, pero mas maraming lugi.

Dahil sa nakikita kong unti unting nauubos ang aking capital, nagdagdag ako ng tatlong libo, lahat ng ipon ko na iyon, wala ng natira. Pero bakit ganun hindi pa rin ako kumikita.

Nagsaliksik ako, naghanap ng groups sa fb na ang pinag uusapan ay patungkol sa stocks, maraming marurunong, halos alam nila ang lahat sa stocks. May nagsasabi kung anong bibilhin. May mga tsart na inilalatag ngunit hindi ko alam basahin. Kailangan ba talaga iyan, paano ba iyan? Tanong sa aking sarili.

Lumipas ang isang buwan nakalahati na ang aking capital, ako'y pinanghinaan na ng loob, tumigil muna ako sa pag trade, naghanap ako ng paraan para matutong bumasa ng tsart.

Maraming links ang nakita ko sa mga fb groups, nagtanong tanong ako sa mga nagpopost ng chart ngunit tila hindi ako naririnig at napapansin.

Hindi ako sumuko, at hinding hindi ako susuko sa pagsasaliksik. Dahil na rin sa pagpupursigi ko may nahanap akong bukal ng kaalaman, araw at gabi aking binabasa ang kanyang mga artikulo, hindi ko gaanong maintindihan kaya paulit ulit kung binabasa, pinag pupuyatan ko halos mas gusto ko pang basahin ito kaysa sa aking akademiko.

Nagkaroon ng liwanag ang aking tinatahak, salamat sa isang guro na hindi ako kilala, ngunit ako'y kanyang natuturuan. Hanggang ngayon patuloy pa rin akong sumusubaybay sa kanyang mga artikulo.

Nagnanais na maging mahusay balang araw na kagaya niya.

Ako'y nagkaroon din ng mga ibang tagapagturo, at pinapayuhan nila ako kung paano makibaka sa merkado. Hindi na ko iyong dating walang kamuwang muwang sa merkado, masasabi ko ito sapagkat nakikita ko ang progreso sa aking takbuhin dito sa merkado.

Salamat sa inyo.
Sa kaalaman na hindi ninyo ipinagkakait.

Patuloy akong magsasaliksik at mag aaral. 
Salamat sa inspirasyon Zeefreaks.