Wednesday, January 4, 2017

Fruit of thy labor

Reap what you sow.

Kung nag laan ka ng oras at nag tiyaga, hindi pwedeng wala kang mapapala.
Unless mali ang iyong ginagawa, mali din ang resulta.

Sa kagustuhan kong magkaroon ng progress ang aking pagiging newbie. Nagpasya akong mag obserba at matuto sa mga traders na nakikita ko sa social media.
Malimit akong mag pm sa kanila, tanong dito, tanong doon, minsan nga nakukulitan na sila sa akin, kasi lagi na lang akong nagtatanong.

Salamat sa mga tumugon sa aking mga katanungan, salamat dahil hindi ninyo ipinagkait ang inyong kaalaman.
Salamat sa mga kagaya ninyong nais makatulong sa kapwa. May mga mabubuti pa rin palang samaritano.

Sa aking mentor Roselyn Ambag, alam ko na may mga times na hindi ako nakikinig, naging pasaway ako, sorry idol sa pagiging pasaway ko. Pero kahit ganun hindi mo ako hinayaan. Basta salamat.

ZFT maraming salamat sapagkat hindi ninyo ipinagkait ang mga karanasan at kaalaman na inyong narasan sa mundo ng stocks. May mga katuruan doon na hindi makukuha sa mga libro at seminars. 

At dahil nga hindi ko tinigilang aralin at basahin ang inyong mga blogs, sa kalaunan nagawa ko itong i-apply. 






Nagbunga ang aking pagsusunog ng kilay :)
Pangarap ko lang noon ang magkaroon ng 10% gains..
Naranasan ko na rin ngayon :)

ngayon ang aking goal ay maging consistent kahit small gains lang :)


Yes! Sir! I will!


"Don't wait for things to happen, make things happen."

Oh sya madami pa tayo dapat aralin, ipagpatuloy lang natin :)